Matagumpay na naidaos ng Gay Association of Guimba ang kanilang programa bilang pagsuporta sa mga adhikain ng ating ama ng bayan katulad ng pagbibigay ng libreng serbisyo para sa ating mga kababayan. Mahigit isandaang katao ang libre nilang ginupitan.
Ito ang resulta ng kanilang pakikipagpulong sa ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon kung saan kanilang napagusapan ang gupitang bayan at iba pang programa.
Sama sama tulong tulong nating isulong ang kapakanan ng ating minamahal na bayan patawid sa bagong normal.