LIBRENG EYE CHECK UP dito mismo sa ating bayan at LIBRENG OPERATION para sa katarata at pugita. “Linawin natin ang inyong bukas”
Nitong darating na Huwebes petsang Pebrero 24, 2022 ay magkakaroon muli ng LIBRENG eye check up para sa katarata at pugita dakong alas 9:30 ng umaga. Dalhin po ang inyong bakuna card at Philhealth ng sa gayon ay mabilis na maiproseso ang itatakdang operasyon.
Dire diretso po ang schedule ng operation para sa pugita at katarata at ang lahat ng mga tinatawagan ng klinika ay inihahatid namin sa eye center at ibinabalik namin dito sa Guimba. Serbisyong walang mintis naming isinasakatuparan sapagkat kabilin bilinan ng ating Mayor Boyong Boyong Dizon na mapagsilbihan ang ating mga kababayan ng higit pa sa sapat.
Kita kits po tayo sa eLibrary
Huwebes (Feb 24, 2022)
9:30 to 10:00