Patuloy na hinihimok ng pamahalaang lokal ang bawat mamamayan ng Guimba na magtungo sa BHERT tuwing babalik sa inyong barangay matapos na lumabas ng ating bayan upang mamonitor ng ating bantay covid teams.

Ito ang aming panawagan para maprotektahan ang inyong mga mahal sa buhay at pamayanan sapagkat napakadelikado ng pagbyahe lalo na kung nanggaling sa lugar na may mataas na kaso ng Covid 19. Pribado mang sasakyan o pampubliko ay hindi kayo makakasiguro na ang mga kasakay nyo ay negatibo. Mas mainam na ang nagiingat at bahagi ng pagiingat ang KUSANG pagrereport sa BHERT o barangay.

Dapat nating isaalang alang ang kapakanan ng ating mga inuuwiang pamilya o mahal sa buhay sapagkat hindi biro ang kanilang mararanasan kung sila ay magkakasakit. Huwag itong ipagwalang bahala sapagkat napakarami at madalas napo ang ganitong pangyayari kung saan naiuwi ng isang kaanak o kapamilya ang mapamuksang sakit.

Ang inyong kooperasyon ang susi kung paano natin mapagtatagumpayan ang laban na ito.