Ito ang istorya ng kawayang paa.
Istorya ng pagmamalasakit sa kapwa at pakikipagugnayan ng lokal, probinsyal at nasyunal na pamahalaan.
Isa man o isanglibo ang mabiyayaan ay itinuturing na namin na isang tagumpay ng isa o isang libo nating kababayan.
Sa bawat tulong na ginagawa ng pamahalaang bayan sa pamamagitan ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ay iisa lamang ang aming iniisip at ito ang makatulong sa kapwa nagiisa man, sampu, isandaan, isang libo o sampung libo nating kababayan ang mabiyayaan basta nakatulong ay masaya na kami.
Hindi man lahat at hindi man ngayon bastat kapit lang mga kababayan darating ang para sa inyo na kaloob ng Dyos. Kami ay instrumento lamang sa kanyang dakilang pasya at plano para sa atin. Hindi tumitigil ang ating munisipyo na maghanap ng maiuuwing tulong para sa mamamayan ng ating minamahal na bayan.