Nagsidating na ang mga karagdagang gamit para sa ating ospital o mas kilala bilang lying in.

Kabilang sa mga gamit na bigay ng DOH region III ang EENT diagnostic set na magagamit para sa pagsuri ng mata, tenga, ilong at lalamunan, isang fetal doppler machine para sa pagsusuri ng mga buntis at kanilang sanggol sa sinapupunan at ang panghuli ay minor surgical set.

Ang mga kagamitang ito ay makakatulong sa ating Guimba Community Hospital (GCH) sa kanilang pagbibigay ng pinaka mura at madalas ay libreng medikal na serbisyo para sa ating mga kababayan.

Pagpapalakas ng kakayahang tumugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.

Para sa mamamayan at sa bayan
#GuimbaKongMahal