Tag-ulan na naman, umaatake na naman ang DENGUE habang nilalabanan natin ang COVID 19.

Tara po sinupin natin ang mga maaaring pamugaran ng nakamamatay na lamok na may dalang Dengue. Hindi po mabubuhay ng matagal ang dengue at kinakailangan nitong mangitlog at ang anak nito ang syang mambibiktima sa atin lalo na ang ating mga anak.

Panatilihin po nating malinis ang ating bakuran. Check natin lahat ng maaaring pamugaran ng lamok sapagkat mabubuhay ang dengue sa isang malinis at naka pondong tubig lamang.

Kumikilos po ang ating munisipyo upang pigilan anumang banta sa kalusugan ng mamamayan. Kinakailangan din po namin ang inyong tulong. Ang inyong paglilinis ng bakuran ay malaking bagay napo para malabanan natin ang mga kumakalat na sakit.

Para po sa mga kaso ng dengue sa inyong lugar paki report po agad sa ating mga BHW upang maireport sa RHU at maaksyunan agad sa pinaka mabilis na panahon.

Pakatandaan na ang kalinisan ay pag iwas sa sakit.

#KampanyaKontraDengue
#SamaSamaTulongTulong labanan ang dengue
#RHUSanidad
#GuimbaKongMahal