Mayroong 28 na persons with disabilities (PWD) ang napagkalooban ng mga instrumentong makakatulong upang sila ay maayos na makakilos sa kabila Ng kanilang mga kapansanan. 19 Ang nabigyan ng wheel chair, 4 naman ay walker, isang quad cane at apat na pares ng crutches.

Malaking tulong Ito para sa mga kababayan nating PWDs na bagamat may mga kapansanan ay maaari pa rin namang maging produktibong mamamayan.

Sa ngalan ng mga PWDs ang People With Disability Affairs Office (PDAO) ay nag pahayag ng pagtanaw at pasasalamat sa buong pusong suportang ipinagkakaloob ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon at walang sawang pagkalinga sa mga kababayang PWD. Sa pamamagitan ng mga ganitong programa ay naiibsan ang pasanin at pasakit ng ating mga kababayang kapus palad.

#lingapkapwa
#handogpagmamahalparasaPWD,
#SulongPWD
#GuimbaKongMahal