Isang kababayan natin mula sa Purok 1 Brgy. Bantug ang agad pinapuntahan ni Mayor Jose “Boyong Boyong: Dizon matapos makatanggap ng mensahe sa ating FB page upang matingnan ng mga mediko ang kanyang kalagayang pangkalusugan.

Humingi ng tulong sa ating butihing Mayor ang kapamilya ni Alfred Nartates na matagal nang nakaratay dahil sa iniindang sakit.
Siya ay agad na dinalhan ng food pack, binigyan ng gamot at bibigyan din ng karampatang tulong medikal at ipapakonsulta sa mga eksperto sa mga darating na araw sa pamamagitan ng tulong ng Punong Bayan.

Ganito ang Pamahalaang Bayan ng Guimba, may tunay na malasakit sa mamamayan.

#lingapsakapwa
#GuimbaKongMahal 💚
#BayangMamamayanmayDisiplina 👌