120 beneficiaries/families ang masayang tumanggap ng Mushroom modules mula sa programang “Kabuti-Handog ng ALAGANG UMALI” na naglalayong mabigyan ng livelihood project ang mga Novo Ecijanos na nangangailangan at ito ay kalinya ng Jobs and Livelihood generation program ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon.

Pinasalamatan ng ating Mayor ang suportang ibinibigay ng ating butihing Governor Oyie Umali sa mamamayan ng Guimba sapagkat kinakailangan ang mga ganitong proyekto upang muling maiangat ang kabuhayan ng mga maralitang lubhang naapektuhan ng pandemya.

Pagsisikap ng lokal at panlalawigang pamahalaan na umagapay sa ating mga kababayan.