Sa inisyal na assessment, as of July 27, 2022 3:38PM, na isinagawa ng MDRRMO at Engineering Office, walang nasirang gusali, tulay at iba pang imprastraktura maliban sa maliliit na cracks na wala namang epekto sa structural integrity ng mga pampublikong gusali. Walang nasirang tulay at flood control.
Nakapagreport na din ang ilang BDRRM (barangay disaster risk reduction and management) responders na walang napinsala sa kani kanilang mga lugar maliban sa barangay Manggang Marikit na may naiulat na dalawang bahay na nagkaroon ng mga bitak at dike sa barangay Sta Veronica na may portion ng pagguho.
Patuloy na inaalam pa ng MDRRMO at Engineering Office ang extent ng damage sa ating bayan. Ang malinaw sa oras na ito ay walang naiulat na nasaktan maliban sa pagkahilo at takot na bumalot sa ating mga kababayan.