Ang ating munisipyo ay pasado sa safety standard matapos igawad ng DILG ang safety seal.
Nagsagawa ang joint inspection team ng DILG, PNP at BFP ng safety requirements checking sa ating Munisipyo at lahat ng sinasaad sa checklist ay natugunan.
Tinanggap ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ang official Safety Seal na iginawad ng DILG sa pangunguna ni Maam Katherine Lapuz kasama si sir PNP LTCOL Norman Cacho at sir SFO4 Fire Marshall Roberto Lopez. Pinatutunayan nito na ang ating munisipyo ay sumusunod sa mga alituntunin ng National Government at ahensya o Kagawaran ng Pangloob at Lokal na Pamamahala. Safe na safe ka dito.
Sumunod dito ay nagpa inspection na din ang himpilan ng pulisya at himpilan ng pamatay sunog at parehong pumasa ang dalawang ahensya. Safe na safe ka dito.
Ang safety seal na ito ay paghihikayat ng pamahalaan sa lahat mapa gobyerno man o pribado na sumunod sa regulasyon at panuntunan upang makasiguro ang ating mga kababayan na ligtas ang bawat pasilidad na kanilang papasukin. Mas magiging madali sa mamamayan na makita kung safe ba ang lugar o pasilidad na kanilang pinupuntahan sapagkat ang safety seal na ito ay ipapaskel sa pintuan bilang tanda na pumasa ito sa safety standard.
Sa ganitong paraan ay magiging kampante ang taumbayan na pumasok sa isang establisimyento sapagkat pinatutunayan ng safety seal na ito na safe ang isang lugar. Kasama din nitong hinuhubog ang disiplina, pagtutulungan at kooperasyon ng lahat tungo sa bagong normal.
Abangan ang safety seal ng mga negosyo sa ating bayan. Safe ba sila para safe ka din kabayan.