Malapit ng matapos ang ating sariling isolation facility.

Minarapat ng ating ama ng bayan Jose Boyong Boyong Dizon na magkaroon ang ating munisipyo ng sariling isolation facility. Ito ay magagamit kung walang BIU o isolation unit ang isang barangay at dito din ilalagay ang mga walang kakayahang mag isolate ng sarili.

Tinatayang sa pagbubukas ng ating bayan, sanhi ng bagong kautusan mula sa IATF national na alisin na ang medical at travel authority, ay magkakaroon ng malaking epekto. Ang pagluluwag ay posibleng magdulot ng mga biglaang paglobo ng kaso ng Covid sa ating mga pamayanan kung kayat dapat na paghandaan. Kasama ding pinagaralan ang mga hindi magpapabakuna na magiging bulnerable sa Covid. Ang lahat ng ito ay mga kunsiderasyon sa desisyong magtayo ng isolation facility lalo pa at ang dati nating ginagamit ay kinakailangan ng maibalik.

Ang mga isolation rooms na ito ay isa sa ating mga hakbang upang pigilan ang pagdami ng kaso sa ating bayan.

Para sa ikatatagumpay ng ating laban

#GuimbaKongMahal