Magsuot ng face mask (MASK)
Maghugas o mag sanitize ng kamay (HUGAS)
Dumistansya ng isang metro (IWAS)

Huwag mong balewalain ang paalalang ito kaibigan sapagkat mahirap magsisi sa huli.
Mahalaga ang buhay mo at ng iyong pamilya kung kayat DAPAT lang na mag INGAT KA.

Kumpirmado (confirmed positive) , suspetsa (Covid suspect) o kahit maaaari lamang (Covid probable) ayon sa DOH guideline na kapag ang isang tao ay nasawi ayon sa tatlong nabanggit ay kinakailangang mailibing o ma cremate sa loob ng 12 hours. Kaya wag magpakampante.

Isipin mo na lamang na sa iyong kapabayaan ni hindi ka na mapaglalamayan ng iyong mga kaanak at kaibigan. Nalalagay pa sila sa alanganin at panganib.

Kaya sumunod po tayo para sa ating kapakanan isama mo na ang katahimikan at kaligtasan ng iyong mga mahal sa buhay.

Disiplinahin ang sarili
Magkaisa at huwag makaisa
Para sa ating minamahal na bayan
#GuimbaKongMahal

no images were found