Binuo at itinawid ang programang “Binyagang Bayan” ng Radyo Natin Guimba habang sinuportahan naman ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ang layunin ng makabuluhang programa bilang bahagi ng Childrens Month Celebration.
Sa isang payak at maikling programa ay nagpatala ang nasa 67 na magulang upang mabinyagan ang kanilang mga anak. Pinangunahan ito nila Sir Onin Herrera para sa RNG at Sir Jose Boyito Dizon representante ng LGU Guimba at Mayor Boyong Boyong Dizon kasama si Sir Roly Ocasion ng LCR. Sa programang ito ay may nabuo pang isang programa at ito yun “Libreng Late Registration”.
Magiging magkatuwang ang Radyo Natin Guimba at LGU Guimba sa dalawang programa. Maaaring lumapit ang mga nagnanais na makakuha ng libreng pabinyag o libreng late registration sa RNG hanapin lamang si Sir Herrera at sa Munisipyo naman ay si Information Officer SJ Guiuo.
Tinatayang gaganapin ang Binyagang Bayan nitong Dec 3 at sasagutin na ng munisipyo ang lahat ng gastos.
Magiging regular at dire diretsong proyekto na ito ng pamahalaang lokal sapagkat dito sa ating bayan ay isinusulong natin ang walang iwanan at malasakit para sa kapakinabangan ng ating mga kababayan.