Sipatin ang isa pang bayanihan sa Bayan ng Mamamayang may Disiplina. Nagsagawa ng kanilang sariling Community pantry ang ating himpilan ng pulisya sa pangunguna ni Hepe Kevin Bulayungan kasama ang Kabataan Kontra Droga At Terorismo (KKDAT) member Angelica Joyce Rogelio.

Ito ang kanilang munting alay alalay sa ating mga kababayan.

Nag ambagan ang ating mga pulis at ibinili ng mga pagkain, mayroon ding nagdonate ng bigas at mga pulis na nagdonate ng mga gulay mula sa kanilang backyard garden. Bayanihang lipos ng pagnanais na makatulong sa kapwa.

Aming pinasasalamatan ang bawat pagmamalasakit sa ating mga kababayan. Pagtulong na nagmula sa puso.

#GuimbaMPSNEPPO
#BayanihanngMamamayangDisiplinado
#GuimbaKongMahal