Sa kagandahang loob ng Colgate-Palmolive at Care Philippines ay naihatid sa munisipyo ang mga kahon na puno ng hygiene soaps na ipapamahagi naman sa iba’t-ibang barangay ng ating bayan.

Sa pangunguna ni Mayor Jose “Boyong Boyong” Dizon ay nagpasalamat ang Pamahalaang Bayan sa mga naghatid ng mga naturang hygiene soaps. Napakalaking tulong nito upang lalong mapalakas ang ating depensa laban sa COVID.

Magugunita na noong una pa man ay mayroon nang magandang programa na nailatag ang CARE PHILIPPINES para sa mga kababaihan ng Guimba at Ito ay tinawag nilang AGAP (Asenso sa Good Agriculture Project) at bilang bahagi ng programang ito ay ang pagbibigay ng mga donasyon na rektang makakatulong sa ating mga kababayan.

Maraming salamat po CARE PHILIPPINES at sa AGAP ng Samahang Pagkakaisa ng mga Kababaihan sa patuloy na pagsuporta sa Guimba Kong Mahal.

#WeHealAsOneGuimbaKongMahal 👌💚