Mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5, ipinagdiriwang natin ang National Teachers’ Month na may temang “Gurong Filipino para sa Batang Filipino,” bilang pagkilala sa pagpapamalas ng kahanga-hangang dedikasyon ng ating mga guro sa buong bansa upang makapaghatid ng dekalidad na edukasyon sa ating mga mag-aaral—simula noon, maging ngayon sa gitna ng pandemya.

Utang natin sa kanila ang mga ginintuang aral na nakintal sa diwa at hinuhubog ng panahon at dala ng mga aral na yan ay makakamit natin ang ating mga minimithing pangarap.

Mabuhay ang mga guro, Kayo ang sandigan ng kasalukuyan at maging ng hinaharap.

#SulongGuroNgBayan
#SulongEduKalidad
#DepEdPhilippines
#DepEdTayo
#GuimbaKongaMahal