Regular Flushing isinasagawa sa ating munisipyo, plaza, auditorium at iba pang pasilidad ng pamahalaan.

Mayroon ding regular na paglilinis sa mga lugar na pinupuntahan ng tao katulad ng simbahan, palengke, bangko, pera padala maging ang ating mga kalsada.

Ito ay isang pamamaraan upang matiyak na malinis ang inyong mga lugar na pinupuntahan sapagkat mahigpit na tagubilin ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon na siguraduhing hindi makakapitan ng virus sa lansangan ang ating mga kababayan.

Katuwang ang Guimba Fire Station sa pamumuno ni Fire Marshall SF04 Roberto Lopez at ang disinfection team sa liderato ng ating MPDO Florante Serrano katuwang ang Sanidad, ENRO, RHU, at MDRRMO.

Sa bayan ng Guimba Kaligtasan mo ang una.

#SamaSamaTulongTulong
#FightCovid
#GuimbaKongMahal