Sinisigurado ng pamahalaang lokal sa pamumuno ng ating Ama ng Bayan Jose Boyong Boyong Dizon na ligtas ang mamamayan mamimili man o nagtitinda.
Nagpapasalamat po kami sa mga firecracker vendors (nagtitinda ng paputok) dito sa ating bayan dahil sa kanilang pagiging napaka masunurin. Kumpleto sa papel, kumpleto sa mga safety at very cooperative.
Matatagpuan po ang ating designated fireworks selling area sa Bacayao Bypass road.
Salamat po sa Guimba MPS NEPPO at BFP Guimba sa kanilang pagpapanatili ng kaayusan kasama ang Information Officer at focal person ng Public Safety.