Covid vaccination report
Para nalalaman ng mamamayan

1ST DOSE TOTAL: 8182
SINOVAC- 2,151
ASTRAZENECA- 5204
PFIZER- 827
2ND DOSE TOTAL: 11,830
SINOVAC- 2,065
ASTRAZENECA- 4086
PFIZER- 823
JANSSEN- 4856
OVER ALL TOTAL VACCINATED: 20,012
Sa kabuuan ay may 11,509 na ang fully vaccinated at 4 na ofw ang nakaalis na na may 1st dose na bakuna. 8,499 naman ang naka schedule para sa kanilang pangalawang (2nd dose) bakuna.
Nananatiling mababa ang naibibigay sa ating bayan at nakikipag usap ang ating Mayor na sana naman ay mabigyan tayo ng sapat na bakuna ayon sa bilang ng ating populasyon na pwede ng mabakunahan. Ipinararating nya ang concern ng mamamayan na mabigyan ng bakuna laban sa covid. Nagiging parehas ang pagbibigay ng bakuna sa mga bayan samantalang napakalaki ng populasyon ng Guimba kumpara sa ibang bayan. Kaisa nyo po ang ating Mayor sa panawagan na mabigyan ang ating bayan ng bilang ng bakuna base sa laki at dami ng populasyon. Nakatanggap tayo ng 800 sinovac kahapon kaparehas ng bilang ng ibang bayan. Napakaliit ng bilang na ito sa nagnanais na mabakunahan kung kayat patuloy tayong nagkakaroon ng malaking wait list na bilang.
Ang ating team ay sumusunod sa regulasyon at pamantayan ng DOH at nararapat ding ipaabot natin ang ating concern na mabigyan ng sapat na bilang ng bakuna.
Kasalukuyan pong A1 to A3 ang ating binabakunahan alinsunod sa DOH priority listing at ang A4 pataas ay wala papong ibinababang advisory at bakuna mula sa kagawaran