Dagdag na kapabilidad para sa ating lying in ang General Electric Model Logiq V serries. Na mayroong 2D Echo capability.

Pagpapalakas ng ating serbisyong medikal para sa kapakinabangan ng ating mamamayan sa pagpupursige ng Hospital Head na si Dr. Manny Galapon at sa pamumuno ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon.

Ang ultrasound machine ay gamit para sa mga sumusunod:

1. Loob ng katawan at iba’t ibang mga organs
2. Pamamaga at impeksyon sa loob ng katawan
3. Daloy ng dugo at lagay ng daluyan nito
4. Paggalaw ng mga organ gaya ng puso
5. Lagay ng sanggol sa loob ng sinapupunan
6. Maari ring gamitin ang ultrasound sa pag-biopsy ng mga bukol ng katawan

Ang impormasyong ito ay makakatulong sa mga duktor sa kanilang pagsusuri ng inyong karamdaman.

At ang 2D Echocardiography o 2D echo naman ay isang procedure na ginagamitan ng pamamaraan kagaya ng ultrasound o ang paggamit ng sound waves upang makapag-produce ng litrato. Sa procedure na ito malalaman ng inyong doctor ang kalagayan ng inyong puso.

Donasyon mula sa Department of Health (DOH) RO 3 sa pamamagitan nila Dr. Maria Francia M. Laxamana Assistant DOH secretary for Luzon. at Regional Director Dr. Cesar Cassion at pakikipagtulungan nila Provincial DOH Dr. Edwin Santiago at Maam Loida Maximo.

Hangad ng ating Mayor na mapaglingkuran kayo ng tapat at higit pa sa sapat.

#SulongKalusuganNgMamamayan
#GuimbaKongMahal