Sa una ay pangarap lamang
Na magkaroon ng sariling ospital ang bayang minamahal.
Nabuo at itinaguyod mula kay dating Mayor Jose “Boyito” Dizon hanggang sa ating Mayor Jose “Boyong Boyong” Dizon. Pinagmalasakitan ng mga pangunahing arkitekto ng pangmasang ospital hanggang sa kasalukuyang estado na may mga kagamitang pinaunlad at umaagapay sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
Marami pang dapat gawin upang lalo pang mapaunlad at mapagbuti ang ospital na binuo gamit ang mga pangarap. Ang mahalaga, ito ang pinaka murang ospital na matatakbuhan ng masa.
Salamat po sa inyong serbisyo at mabuhay po ang ika 10th anibersaryo ng Guimba Community Hospital na kinilalang “Lying In ng Bayan”.