Para sa iba pang kaganapan sa ating bayan halinat silipin natin ang “Guimba Comm-UNITY PANTRY” “Mula sa Puso, para sa mamamayan ng GUIMBA!”

Ito po ay naisipang itaguyod ng isa nating kababayang si Kent Natividad kung saan naglagay sya ng mga lamesa na may sari saring LIBRENG bagay na magagamit sa tahanan kasama na ang pagkain. Turan ni Kent na “ONE SMALL ACT OF KINDNESS, WILL MAKE A BIG IMPACT TO THE COMMUNITY”

Ang konsepto ng community pantry na ito ay kumuha batay sa pangangailangan at magbigay (donate) batay sa kusang loob na kakayahan.

Pumukaw sa aking atensyon ang tagpong ito at minarapat kong ilathala para sa kaalaman ng ating mga kababayan at harinawa matutunan nating magkatulungan. Ibalik natin ang Bayanihan ng Mamamayang Disiplinado.