Ang inyong maagap na pagtawag sa kanilang hotline ay sya ding magiging resulta ng maagap na pag responde para tugunan ang inyong emergency na pangangailangan.

Ito ang mas pinalalakas na team work ng ating mga responders. Magiging magkatuwang ang Fire, Rescue at PNP upang kayo ay masaklolohan sa bingit ng panganib. Sinasanay din ang mga barangay quick response team na nakapaloob sa BDRRM upang sa gayon ay magkaroon tayo ng isang malakas at malawak na response network para sa mas mabilis na pagtugon sa emergency situation.

Kabilang ito sa Community Service, Response and Public Safety program ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon kung saan higit pang pinalalakas ang ating kakayahan upang makapagbigay ng agarang aksyon sa tawag ng pangangailangan ng ating mga kababayan.

#ResilientGuimba
#ResponsiveLocalGovernment
#GuimbaKongMahal