Pahabol na tulong ni dating Mayor Jose Boyito Dizon sa mga nasunugang pamilya sa barangay Manacsac naihatid na nitong nakaraang araw.
Ganito magmahal, kumalinga at magmalasakit ang pamilya Dizon. Kung ano ang mayroon sila ay kanila itong ibabahagi sa nangangailangan.
Minarapat kong ilabas upang maging halimbawa ng pagtutulungan. Sa panahon na halos kanya kanya ng diskarte ang mga tao kinakailangan pa din nating pairalin ang puso. Tulungan natin ang nangangailangan sa abot ng ating makakaya at bukal sa loob na pagpapaabot ng ating pakikiisa sa kalagayan ng ating kababayan.
Ibalik natin ang malasakitan sa kapwa.