Sa Guimba napakahalaga ng pagtutulungan at pagkakaisa. Isinasantabi ang politika para sa kapakanan ng taumbayan. Samahang binuo ng panahon at pinagyaman ng karanasan.
Ito ang adhikain ng ating Ama ng Bayan Mayor Jose Boyong Boyong Dizon kung kayat gumagawa sya ng mga programa na magiging magkakasama ang mga Kapitan, Kapitana at mga dating Kapitan. Pinaglalapit nya ang loob ng bawat isa sa paniniwalang ang mahigpit na pagkakaisa ay makakatulong sa higit pang pagunlad ng ating bayan.
“Friendly Game ng mga Incumbent Kapitan vs Former Kapitan Basketball paligsahan”.
Ng matapos ang palaro ay nagpa boodlefight naman ang ating Mayor at sama samang nagsalo salo ang mga leader ng bawat barangay.
Dinaluhan ng ating Vice Mayor Jesulito Dok Lito Galapon, SBM Atty. Vir Fabros, Dating Mayor Jose Boyito Dizon, Dating Mayor Jose Bopet Dizon, SBM Johnny Estabillo, ABC President Remedios Agapito, mga Kapitan/Kapitana at dating mga Kapitan na todo suporta sa kani kanilang team ang naganap na GKM Bigkis Palaro para sa ating mga leader ng barangay.