Maagang pamasko mula sa pamahalaang lokal ang handog para sa second batch beneficiaries ng Guimba Kong Mahal Educational Assistance Program.
Muling nakatanggap ang 250 Kabataang Guimbanians ng apa’t na libong piso ngayong araw. Pinangunahan nina Konsehala Stephanie Alvarez, Konsehala Diane Beltran at G. John Carlo Dizon ang pamimigay ng cash assistance.
Patuloy na sinusuportahan at isinusulong ng pamahalaang lokal sa pangunguna ni Mayor Jose Boyong Dizon, Vice Mayor Lito Galapon at Sangguniang Bayan Members ang mga programang tumutugon sa mga pangangailangan ng mga magaaral .
Muli, Congratulations! Nawa’y maging karagdagang inspirasyon ang programang ito upang hindi tayo humintong mangarap!
Tuloy tuloy na programa
Para sa kapakanan ng bawat mamamayan