Walang kasingsaya ang pagdiriwang ng Lingo ng Kabataan sa ating bayan harangan man ng ulan.
Walang pagsidlan ng kagalakan ang ating mga kabataan na nagsidalo at nagpartisipa sa “GKM Color Fun Run”. Nabasa at nasabuyan ng ibat ibang kulay ang araw na ito at mababanaag sa mga ngiti ng bawat kabataan ang memorable na araw ng pagdiriwang.
Sinasalubong ng tugtugan mula sa BMD Band ang bawat dumarating at talaga nga naman festive and datingan.
Ang aktibidad na ito ay isa sa mga paraan ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon na magkaroon ng komunikasyon at interaksyon ang mga kabataan saan mang barangay sila nabibilang. Magkakilala at hindi ay lipos ng kasiyahan at sila namay nagkakadaupang palad at nagkakaroon ng mga bagong kaibigan.
Nagpapasalamat po ang ating Ama ng Bayan sa LYDO Clarisse Ann Jose, LYDC, Konse Carlo Dizon, IBP/Prov. Govt, Sanguniang Kabataan Federation, mga SK Chairman na nagparticipate, sa lahat ng tumulong at mga Kabataang Guimbanians.
Mabuhay po kayong lahat!!
Future leaders ng ating minamahal na bayan.