Gawin nating tama at angkop sa makabagong panahon ang pagsasaka sa ating bayan.

✅ Georeferencing sinimulan sa Brgy. Tampac 1Noong nakaraang November 29, 2022, sinimulan nang ating Rice Crop Manager (RCM) coordinator, Ma’am Belinda T. Refuerzo na mag georeferencing ng mga bukid sa Brgy. Tampac 1. Atin pong nasukatan ng bukid ang 18 farmers na may kabuuang sukat na 19.39 ha. Gamit ang device na “Garmin”, Ang georeferencing ay isang pantulong na gamit ng RCM upang irehistro ang mga magsasaka at sukatin ang eksaktong sukat ng kanilang mga bukid. Malaki ang maitutulong nito sa pagtukoy ng mga tumpak na interbensyon na inilaan para sa bukid at mga pananim ng magsasaka na nakarehistro sa RSBSA.

Ang Municipal Agriculture Office at mahal nating Mayor Jose “Boyong Boyong” Dizon ay pinapangarap na ang Agricultural Land ng mga magsasaka sa bayan ng Guimba, ay ating masukat upang magkaroon tayo ng mapa at profiling ng mga bukid ng sa ganon maging tumpak o eksakto ang natatanggap na ayuda tulad ng binhi at pataba.Para po sa nais magpasukat ng inyong sakahin, maaring magpaschedule, sa inyong Committee on Agriculture, o magtungo sa inyong AT/AEW na nakakasakop

. #maoinaction dahil #TatakDizon at #SerbisyongDizon ata yan!