Pagsisimula muli ng Geo-referencing sa iba pang Barangay! Ngayong linggo—January 10-12, 2023 ay umarangkada ang Team D.A. na binubuo ng mga Agricultural Technologist sa Municipal Agriculture Office sa pagsisimula ng libreng pag susukat/ Geo-referencing ng mga bukid sa Barangay: San Marcelino, Macatcatuit at Triala.

Layon ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon at MAO-Guimba na magawan ng profile ang bawat lupaing pansakahan upang maging angkop ang mga tulong/ayuda na ibinibigay ng pamahalaan. Ito ay magiging bahagi ng Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) at patuloy na pagsasaayos ng record ng bawat magsasaka.Ito naman ang datos mula sa nasukat na mga bukid: Brgy. San Marcelino (33 farmers at 64.39 ha)Brgy. Macatcatuit (54 farmers at 52.68 ha)Brgy. Triala (40 farmers at 56.86 ha)

Para po sa nais magpasukat ng inyong bukid, makipag-ugnayan po sa inyong Brgy. Chairman o Committee on Agriculture sa Municipal Agriculture Office para ito ay ma i-schedule.

#maoinaction dahil #TatakDizon at #SerbisyongDizon yan!!