Ang pinagsanib na tropa ng PNP, BFP at Barangay Task Force ay patuloy pa rin sa kanilang masigasig na pagtugon sa tawag ng paglilingkod sa bayan.

Sa mga itinalagang border control checkpoints ng Brgy. Manggang Marikit at Brgy. Banitan ay nananatiling matatag ang hanay ng ating mga frontliners upang patuloy na protektahan ang ating bayan sa panganib na maaring dalhin ng mga pasaway na biyahero na magtatangkang lumabag sa safety protocols hinggil sa travel authority na siyang patunay na COVID FREE ang mga pumapasok sa ating bayan.

Huwag po sana nating sayangin ang sakripisyo ng mga frontliners, sumunod po tayo sa patakaran upang ganap nating mapagtagumpayan ang ating Laban kontra COVID.

#fight COVID, we heal as one Guimba Kong Mahal