Tuwing araw ng Linggo ay isinasagawa ang flushing and disinfection ng Guimba Public Market wet section. Regular itong ginagawa upang matiyak na malinis at ligtas sa COVID at iba pang sakit ang pamilihang bayan.

Ang direktiba ay nagmula Kay Mayor Jose “Boyong Boyong” Dizon, at Ito ay para tiyakin ang kaligtasan ng mga mangangalakal at mamimili.

Ang sigla ng kalakalan ay nakasalalay sa pananatiling ligtas ng lahat ng kapaligiran ng palengke. Kung COVID FREE ang sentro ng kalakalan, panatag din ang kalooban ng ating mga kababayan at mananatiling masigla ang ating ekonomiya na siyang susi upang tuluyan na nating malagpasan ang pandemya.

Pasasalamat sa Bureau of Fire Protection sa pangunguna ni Sir Roberto San Juan Lopez sa patuloy na pakikiisa sa mga adhikain ng Pamahalaang Bayan.

#BayangMayDisiplina 👌
#SulongGuimbaKongMahal 💚