Flag raising ceremony na tigib ng programa,
nariyan ang pagdalo ni Hanah Lopez mula sa Guimba at napabilang sa Gilas Pilipinas.
Gayundin ang pagsasayaw ng ating mga SPES na inspiradong umiindayog sa saliw ng mga tugtog. Pagdalo ng ating mga Konsehal ng Bayan Hon. Kent Natividad at Hon. Carlo Dizon kasama si Ex-Officio SB member Hon. EJ Esquivel at higit sa lahat ang pormal at isinasapublikong panunumpa sa katungkulan ng ating minamahal na Mayor Jose Boyong Boyong Dizon.
Ang lahat ng ito ay sinaksihan ng ating pangalawang Ama ng Bayan Vice Mayor Hon. Jesulito Doc Lito Galapon, mga Kapitan at Kapitana sa pamumuno ng ating Liga President Ex-Officio SB member Hon. Remedios Agapito gayundin ng ating Lokal na Pulisya, Lokal na BFP, Lokal na BJMP, mga kawani at opisyales ng pamahalaan.
Isang hindi mapapantayang umaga sa bayan ng Guimba Kong Mahal.