Pormal ng naghain ng kandidatura ang ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon at Vice Mayor Jesulito Doc Lito Galapon kasama ang buong ticket ng kanilang team na sila Stephanie Alvarez, Diane Beltran, Virgilio Fabros, Oyo Lumang, Carlo Dizon, Tunying Ubaldo at Johnny Estabillo kahapon bandang hapon.
Sila ang kauna unahang team na nagsumite ng kanilang kandidatura. Makikita naman na nakakalat sa paligid ang mga punong barangay at mga tiga suporta na pumapalakpak sa bawat lalabas sa tanggapan ng Comelec.
Karamihan sa kanila ay sumama pa sa pamamahagi ng bigas bago nagtungo at nag file ng kanilang layuning kumandidato sa darating na halalan.
Ayon sa kanila “ito ay tatak ng mabuting samahan at tatak ng pagmamalasakit. Likas na sa mga tiga Guimba ang gawaing pakikipagkapwa”.