✅Pagbubuo ng Barangay Yuson, Partida II, Cardinal at Manacsac Farmer’s Association bilang tugon sa panawagan ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon na maging organisado ang pamimigay ng binhi, pataba at iba pang ayuda para sa magsasaka. Isa ding paraan ang pagtatayo ng asosasyon upang makakuha ng makinarya na nakapaloob sa RCEF farm mechanization.

Ang pagbuo ng asosasyon ay pinangunahan ng ating Cooperative Officer, Mam Precious Anne Trinidad, kasama ang mga Agricultural Technician na nakakasakop sa Barangay. Dito pinaguusapan kung paano ang proseso ng papeles sa DOLE, Ano ang mga dapat isa-alang alang sa samahan, D.A. Accreditation at maging ang eleksyon ng Officers sa samahan.

Para po sa ibang barangay, na nais magpatulong sa pagbuo ng Samahan, mangyaring makipag ugnayan po sa aming opisina (Municipal Agriculture Office-Guimba) at sa inyong Technician.

#maoinaction#TatakDizon#SerbisyongDizon