Binaybay ng mga kawani ng lokal na departamentong pangkalusugan ang mga barangay upang maihatid sa bawat bahay ang programang pamimigay ng mga family planning kits sa mga ginang ng tahanan at vitamins naman para sa mga buntis upang sila ay manatiling malusog at malakas ang pangangatawan sa gitna ng pandemya bilang pakikiisa sa Family Planning Month celebration ng nasyunal na pamahalaan.

Nagsagawa din ng implant ang ating mga Rural Health Units na pinamumunuan nila Dr. De Villa, Dra Tadeo at Dr. Romano.
Programang inilunsad ng ating Municipal Health Office sa pamumuno ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon na tumutugon sa hamon ng sitwasyon at pagkakataon.

Layon nito na mapanatili ang maayos na kalusugan ng ating mga ilaw ng tahanan at magkaroon ng mas planadong buhay pamilya.

#FamilyPlanningMonth
#SulongKababaihan
#GuimbaKongMahal