Sa kadahilanang tumataas ang bilang ng kaso sa ating bayan
napagpasyahan ng IATF Guimba na irekomenda ang mga nakasaad na paghihigpit.
Bilang pagkilala sa rekomendasyon ng kapulungan (IATF Guimba) kung kayat binuo at nilagdaan na ng ating Punong Bayan ang Executive Order No. 19 na magiging epektibo simula September 10 hanggang October 31, 2021.
Hinihikayat at inaabisuhan ang lahat na sundin ang nasabing kautusan sapagkat ito ay naglalayon na maprotektahan ang mamamayan at maipagtanggol ang lahat laban sa sakit na hindi nakikita.
ang inyong kooperasyon ay kinakailangan at ang inyong pagsunod ay susi kung paano natin mapagtatagumpayan ang laban na ito.
kasihan at kaawaan tayong lahat ng Dyos.