Narito na ang talaan ng 250 na kwalipikadong benepisyaryo para sa Educational Assistance Program ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon.

Programang sumusuporta sa ating mga kabataan na nangangarap na makapagtapos ng kanilang pagaaral. Paglingap ng ating Ama sa kanyang mga anak na “isko ng bayan”. Hindi man sapat ang ating budget upang tustusan ang kanilang pag-aaral, nagpupursige pa din ang ating Mayor na maipaabot ang kanyang tulong sapagkat bilang edukador mahalaga sa kanya ang edukasyon at naniniwala syang ang mga kabataang ito ang mga susunod na henerasyon ng mga leader sa ating bayan at kinakailangan nila ng sapat na kaalaman upang maging produktibo at makatulong sa ating minamahal na bayan.

Sa anumang paraang makatulong, gagawin ng ating Mayor ang lahat para sa mamamayan.