Bukod sa Educational Assistance program ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ay mayroon pa syang mga nahanapang programa na makakatulong sa mamamayan ng Guimba. Nariyan ang Educational Assistance mula sa ating Gov. Oyie Umali na kamakailan lamang ay ating inilathala ang isinagawang pamamahagi at ngayong araw naman ay ang pagbibigay ng
tulong sa dalawang daang (200) magaaral ng Guimba.
Pinangunahan ng ating Punong bayan Jose Boyong Boyong Dizon ang payout kasama ang Manila Teacher’s Partylist, Partner Agency DSWD at Local Youth Development Officer Clarisse Jose na syang nagpasilita sa buong programa.
Organisado at sistematikong naisagawa ang pay out at maluwalhating naidaos ang aktibidades. Hindi magkamayaw ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sapagkat malaking bagay daw ito sa kanilang pagaaral dahil magagamit nila sa load para sa online classes, makakaawas na pambayad sa matrikula at ang iba naman ay nagsabing ibibigay sa magulang.
Humabol din ang iba pa nating mga bisita Katulad nila Konsi Pane Alvarez, Konsi Diane Beltran, Konsi Oyo Lumang, Konsi BonBon Dizon, Sir Kent Natividad at Sir Carlo Dizon.
Dito natin makikita ang kahusayan ng ating Mayor sa pakikipagusap sa mga nakatataas na ahensya sapagkat muli ang ating bayan ay nabigyan na naman ng tulong mula sa Manila Teacher’s Partylist na hindi pa nararanasan ng ibang bayan sa lalawigan. Hindi sya tumitigil sa paghahanap ng maihahatid na biyaya para sa ating mga kababayan.
Maraming salamat po Manila Teacher’s Partylist
Salamat din po sa DSWD AICS program.
Pagpupuri at pasasalamat sa Dyos