Sa ganap na alas 9:00 ng umaga November 10, 2022 samahan nyo po ang MDRRMO at buong munisipyo sa regular na earthquake drill.
Maaari nyo pong i practise sa inyong tahanan at sa mga tindahan, grocery, botika, hardware at sa lahat ng establisimyento ang paghahanda sa lindol.
Mag Duck (maupo at yumuko), Cover (kahit anong bagay na maaaring ipangtakip sa ulo at maaari din sa ilalim ng lamesa, Hold (kumapit at manatili sa kinaroroonan kung hindi posible ang paglabas) at saka po tayo lalabas sa isang clear na lugar na walang maaaring bumagsak tulad ng puno, istruktura, kawad ng kuryente at iba pa.
Tandaan na ang paghahanda ay mas mabisa pa sa nagiingat at mas malaki ang tsansa na makaiwas sa peligro.
Sabay sabay tayo kabayan mag duck, cover, hold sa November 10 alas 9:00 ng umaga.