Masikhay na paglilinis ng kanilang mga pamayanan ang ipinamamalas ng ating mga kababayan sa Barangay Manacsac, Barangay Bunol at Barangay Cawayan Bugtong.

Sa ilalim ng DOLE Tupad program na isinasagawa, ang ating mga kabarangay ay nabibigyan ng pagkakataon na magkaroon ng hanapbuhay kahit sa maikling panahon. Kabilang ito sa kampanyang Jobs Generation o paglikha ng trabaho para sa mga mahihirap nating mamamayan. Programang may puso at malasakit hatid ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon na isinasakatuparan ng ating masipag na PESO manager Honey Wy Sarte sa tulong at suporta ng DOLE.

Ang ating pamahalaang lokal ay hindi tumitigil sa paghahanap ng mga paraan upang matulungan ang ating mga kababayan. Dahil sa Guimba kayo ang una.

#SamaSamaTulongTulong
#WeHealAsOne
#SulongNagkakaisangMamamayan
#GuimbaKongMahal