Sa pagsusumikap ng ating PESO Honey Sarte at pamumuno ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon, ang mga programang ito ay naipararating sa ating mga kababayan.
Sa araw na ito ay ipinamahagi ang sahod ng mga tupad workers (289 tupad beneficiaries) at bilang transparency na adbokasiya ng pamahalaang lokal, tinanong namin ang mga tao habang tangan tangan nila ang perang hawak. Karamihan sa kanilang sagot ay:
➡️Pambayad sa utang (tao at tindahan)
➡️Pambili ng bigas at ulam
➡️Pambayad sa paaralan
➡️Gagamitin sa pagaaral
➡️Gagamitin sa paghahanap ng trabaho
➡️Pambili ng gamot
➡️Para sa gastusin sa pagbubuntis at panganganak
➡️Pambayad sa kuryente at tubig
Napakaraming kwento at dahilan ng buhay at kahit gaano kahirap ang sitwasyon mababanaag mo sa kanilang mga ngiti ang pagasa.
Laban lang Guimbanians. Maghahanap ang ating Mayor at PESO ng iba pang programa at lalapit silang muli sa DOLE para sa panibagong mga tupad workers dahil hindi hihinto ang ating lokal na pamahalaan na maghanap ng pagasa at tulong na maibabahagi sa ating mga kababayan.