Ang malawakang pagkilos sa ibat ibang barangay ng mga hinirang na manggagawa ay kasalukuyan nang umaarangkada para sa Clean and green ng DOLE TUPAD program sa Barangay Bunol, Barangay Cawayang Bugtong, Barangay Camiing at Barangay Pacac.

Suot ang mga kulay berde na uniporme at dala ang mga gamit, ay araw araw na hinahawanan ang mga masusukal na lugar, nililinis at binubunutan ng damo ang gilid ng kalsada at pinupulot ang mga basura sa buong paligid.

Ito ang grupo ng mga benepisyaryo ng DOLE TUPAD program. Isang proyekto ng Pamahalaan na naglalayong mabigyan ng trabaho at maging produktibo ang mga kababayan na pursigidong kumita sa marangal na paraan.

Ang butihing ama ng bayan Jose “Boyong Boyong” Dizon katuwang ang PESO Guimba, ang siyang nagsikap upang mailatag ang job generating program na Ito upang masiguro na marami sa ating mga kababayan ang mabibigyan ng marangal na pagkakakitaan.

Ang disiplinado at produktibong mamamayan ay yaman at dangal ng Guimba Kong Mahal.

#Sulong Guimba kayang kaya kapag sama sama