Syempre hindi tayo pahuhuli at may entry din tayo sa isinagawang virtual poster making.
Sa tanggapan ng ating Mayor Jose Boyong Boyong Dizon ginanap ang live (virtual) entry ng ating bayan na pinanood ng mga judges mula sa region. Sinusuportahan ng ating Mayor Boyong Boyong ang mga ganitong patimpalak kung saan naipapakita ang angking galing ng ating mga kababayan. Salamat din po sa palagiang suporta ni Atty OJ.
Isang obra na nagsasalarawan ng temang “Beautiful and Healthy Smiles beyond Miles”
na iginuhit ng ating artist Benjie Mata ng barangay Lennec.
Kahit saan mang larangan taas noo nating ibabandera ang ating bayan.
Ang patimpalak ay nilahukan ng ating RHU Dental Clinics – Dra Gabrielle Ann S. Cariaga at Doc JP Coking para sa entry ng Pamahalaang Bayan ng Guimba.