Sa lahat ng nagtatanong: Narito ang updated priority listing ng DOH. Ginagamit ng DOH ang priority listing upang maging organisado ang pagbabakuna.
Sunod sunod na hakbang

  1. Alamin kung saang priority listing kayo nabibilang
  2. Maghintay ng announcement kung kailan at saan magpaparehistro. Ang A1 to A3 ay maaari ng diretsong magparehistro sa mg bhw at ang A4 naman ay may kasalukuyang online registration.
  3. Kung ikaw ay kabilang sa A1 to A3, maaari napo kayong magpalista sa inyong BHW upang maipaabot nila sa RHU at ng mabigyan ng kaukulang schedule.
  4. Kung kayo ay A4, may online registration na sa Municipality of Guimba Covac page. Sagutan ang Form at i submit.
  5. Maghintay sa announcement o abiso kung kailan ang inyong schedule at saan kayo magpupunta.
  6. Magtungo sa bakuna center na nabanggit sa annoucement o abiso at huwag kakalimutang magingat.
    Hindi kailangang magunahan sapagkat Libo libo ang nakalista na at kailangan nating irespeto ang pila. lahat po ay nangangailangan na ng bakuna subalit hindi naman natin kayang sabay sabay na mababakunahan sapagkat kaunti lamang ang dumarating na bakuna. Sinusunod ng RHU and priority listing at sana ating maunawaan na kahit gustuhin ng munisipyo na mabakunahan ang lahat sa mabilis na paraan ay hindi pwede sapagkat kakaunti pa lamang ang dumarating na bakuna.
    A1 to A3 ang kasalukuyang binabakunahan at wala pa pong advisory and DOH para sa A4 at iba pa.