Para po sa kaalaman ng lahat. Ang atin pong LGU health team (covid response) ay ina assess ang lahat ng kalagayan upang madetermina kung kinakailangan bang ilipat o hindi ang isang pasyenteng positibo sa Covid 19. Pinagaaralan ng health team kung ano ang makabubuti sa lugar at pamilya ng isang pasyente upang hindi na ito makapanghawa. May mga pagkakataon na kinukuha ang isang pasyente upang malapatan ng lunas na tanging ospital lamang ang makagagawa nito at sa maraming pagkakataon naman ay nananatili sa lugar upang maiwasan ang exposure ng iba pang tao at mas mainam na hindi na ito ilipat pa ng lugar. Nasa pagtantya ng mga eksperto at trained sa mga ganitong sitwasyon ang desisyon at rekomendasyon sapagkat may sinusunod silang giya at parametro sa bawat hakbang na isinasagawa.

Kung may mga katanungan hinggil sa Covid-19 at kung ano ang mga dapat gawin pra maiwasan, mga katanungan hinggil sa mga kalituhan or kaalaman pra sa mga tamang containment, quarantine at kung may mga suspetsang mga posibleng kaso ay ipaalam lng po sa tanggapan ng RHU:

Rhu 1- 09424255876
Rhu 2- 09216364874
Rhu 3- 09369466075

Kooperasyon ng mamamayan ang kailangan sapagkat layunin ng pamahalaan ang seguridad ng lahat. Magtiwala po tayo sa ating pamahalaang lokal sapagkat hindi namin kayo pababayaan. May Mayor po tayong nagaalala at naniniguro sa inyong kaligtasan.

Simpleng pag-iingat ang kailangan
Magsuot ng face mask at dumistansya ng isang metro. May awa ang Dyos.

#GuimbaKongMahal