Patuloy na pagatake ng mga lamok na dengue carrier sa mga pamayanan.
Malaking hamon sa Barangay at LGU Guimba kung paano magiging Dengue Free Communities ang bawat barangay. Umaasa ang mga tao sa pag spray at hindi naiintindihan na ang spraying/fogging ay ang pinakahuling istratehiya para sa pag control ng sakit na dengue.
Narito po ang kaunting kaalaman at nawa basahin hanggang dulo:
DOH STRATEGIES
Enhanced 4S Strategy
S – earch and Destroy
Hanapin ang pangitlugan ng Lamok na dengue, alisin ang tubig at panatilihing malinis ang lugar. Mainam na naglilinis ng bakuran at tapat ang bawat mamamayan ng sa gayon ay hindi magpunta ang dengue sa kanilang lugar. Kung walang pangingitlugan walang dengue ganun kasimple. Madumi at hindi masinop na paligid na may mga naipong tubig sa lata, baso, plastic, styro, gulong, garapon, paso at iba pa ay syang pangitlugan ng dengue at dito sila nagpapadami.
S – eek Early Consultation
Mahalaga na magpatingin ng maaga para sa mas maagap na gamutan.
S – elf Protection Measures
Magsuot ng mga mahahabang damit, at maglinis ng bakuran. Syempre ikaw ang magpoprotekta sayo at iyong pamilya. Tandaan malinis na paligid walang dengue. 4:00 – 8:00 sa umaga at 4:00- 7:00 sa hapon ang oras ng paglipad ng dengue at yan yung oras para kayo ay makagat.
S – ay yes to fogging only during outbreaks
Dulo ang fogging/spraying at papatayin lang nito ang mga makukulong na lamok. Makakalipad at iiwas naman ang ibang lamok. Pakatatandaan na babalik din ito kung may pangingitlugan sa bakuran nyo.
Makipagbayanihan sa clean up drive ng barangay. Dengue ay maiiwasan kung masinop tayo sa ating kapaligiran.