Motorcade para sa dengue awareness isinagawa ng ating mga kawani at opisyal mula sa RHU 1,2 at 3.
Layunin ng motorcade na kalampagin at gisingin ang natutulog nating diwa para tumulong sa ating lokal na laban kontra dengue.
Ang paglilinis ng kapaligiran ay isang napakabisang paraan upang mapuksa natin ang paglaganap ng dengue sa ating bayan. Walang pamumugaran ang perwisyong dengue kung alam lamang nating sinupin ang mga bagay bagay na maaaring maimbakan ng tubig na syang itlugan ng mga lamok na carrier ng nakamamatay na sakit na dengue.
Magtulungan po tayong puksain ang dengue sa pamamagitan ng paglilinis ng inyong bakuran.