Dagdag kagamitan (additional 3 refrigerator at additional 3 cooler para sa RHU 1,2 at 3) upang palakasin ang ating kakayahan na paigtingin ang pagbabakuna sa ating mga kababayan.
Sapagkat kasama na ang Guimba sa mga mabibigyan ng maraming bakuna kung kayat agad na naghanda ang munisipyo ng dagdag na kagamitang paglalagakan ng mga darating na bakuna.
Tinatayang libo libong bakuna mula sa DOH ang bababa sa ating bayan at target ng Munisipyo sa pangunguna ng ating Mayor na mapabilis ang pagbabakuna sa mga klasipikasyong A1 to A4 hanggat wala pang bakuna na para sa mga bata edad 12 hanggang 17.
Lubhang maselan ang mga bakuna at kinakailangan na ang mga ito ay nakaimbak sa malamig na sisidlan at may tamang temperatura upang mapanatili ang kalidad nito at maiwasang mapabilang sa “Spoiled vaccine”. Mayroon ng nakalatag na safety at contingency measure ang munisipyo para dito.
Hinihikayat ng pamahalaang lokal ang lahat na magpabakuna sapagkat ito na lamang ang tanging paraan upang maibalik natin sa normal ang sitwasyon at mabigyan ng proteksyon ang lahat ng mamamayan ng ating minamahal na bayan laban sa Covid 19.