Covid 19 update: impormasyon at hindi diskriminasyon

MHO RHU report
Apat (+4) positive
Zero (-0) negative
Zero (0) recovery
Zero (0) swab ngayong araw.

Si patient No. 287 ay 41 taong gulang mula sa barangay San Roque, principal ng isang paaralan, nagtungo sa Aliaga. Pinaniniwalaang siya ang close contact ni Pt No. 267. Nakakwarantina na ang ating pasyente.

Si Patient No. 288 ay 17 taong gulang mula sa barangay San Roque, walang travel history at naging close contact ni Pt No. 267 at 287. Nakakwarantina na ang ating kababayan.

Si Patient No. 289 ay 31 taong gulang mula sa barangay Sta Veronica, nagtungo sa San Antonio Nueva Ecija, wala pang nadedetermina kung saan nya ito nakuha at patuloy na isinasagawa ang contact tracing habang sya ay naka kwarantina.

Si Patient No. 290 ay 35 taong gulang, isang guro mula sa barangay Saranay, nagtungo sa Rizal at pinaniniwalaang dun nya ito nakuha o di kaya ay close contact ni Pt No. 283. Kasalukuyan ng naka kwarantina.

Sa kasawiang palad, binawian na po ng buhay ang isa nating kababayan si Pt No. 231. Kami po ay nakikiramay.

Ang kanilang food packs ay isinaayos na at ang kanilang mga close contact ay inaalam pa. Ikinasa na din ang disinfection ng kanilang mga lugar at pinuntahan.

Ingat po tayo mga kababayan
Ugaliin ang MASK, SHIELD, HUGAS, IWAS